Home » News » News Roundup » 2 patay sa Pasig road accidents

2 patay sa Pasig road accidents

Dalawang pedestrians ang namatay sa magkahiwalay na aksidente sa daan sa Pasig City nitong Martes, ayon sa police report.

Inaalam pa ng pulisya ang pangalan ng unang biktima na nagkalasug-lasog ang katawan nang masagasaan ng isang concrete mixer truck (TDQ 653) sa northbound lane ng Amang Rodriguez Avenue.

Ayon kay Police Officer 3 Randy S. Tedera, kaagad na inaresto ang driver ng truck na nakilalang si Egy Agoto.

Nakatakda siyang sampahan sa korte ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Noong araw ding iyon, isang taong gala ang nasawi rin nang mabangga ng sasakyang minamaneho ng isang Jeffrey Tuazon, 33, habang tumatawid sa panulukan ng Ortigas Avenue at C5 Road.

Dinala ang biktima sa Rizal Medical Center kung saan binawian siya ng buhay habang nilalapatan ng lunas.
(Jenny F. Manongdo)

comments