Home » Entertainment » Birit queens unaffected by bashing, comparisons

Birit queens unaffected by bashing, comparisons

Birit Queen

Imposible raw magkaroon ng inggitan sa pagitan ng ASAP Birit Queens na sina Morisette Amon, Klarisse de Guzman, Jona Viray, at Angeline Quinto dahil magkakaibigan daw sila sa totoong buhay.

Hindi raw sila nagpapaapekto sa ginagawang pagkukumpara at pamba-bash ng ilang fans at viewers sa social media.

Sabi ni Jona, “Hindi naman din po maikakaila na may kanya-kanyang favorites po ang bawat fans ng Birit Queens. So, kung mayroon man pong nagsasabi na mas magaling yung kay Morisette o mas magaling yung kay Angeline o mas magaling si Klarisse, wala po sa akin iyon. Basta ang importante na ikaw na ibigay mo ’yung best performance mo ng araw na iyon.

Ang importante po we respect each other, magkakaibigan po kami kaya walang samaan ng loob o inggitan about sa comments ng mga tao sa performance namin.”

Ayon kay Klarisse, hindi na lang daw nila pinapansin ang bad comments lalo na iyong walang kinalaman sa performance nila sa ASAP. “Kasi minsan may mga below the belt katulad ng kunwari, ‘Yung noseline ni Klarisse may sariling buhay,’ ’yung ganun. Minsan ’yung damit mo, ‘Ay, ninang sa kasal?’ Kung anu-ano na po ’yung sinasabi, minsan tinatawanan ko na lang. Pero as much as possible hindi ko na lang pinapansin.”

Reaksyon naman ni Angeline, “Hindi naman natin mapi-please lahat ng tao, di ba? Kahit nga siguro ’yung pinakamagaling na singer ay may isang tao talaga na mangba-bash diyan. So, ako every time po na kakanta ako kasama sina Jona, Klarisse at Morisette, hindi ko iniisip na magkakalaban e. Siguro nabibigyan lang kami ng chance na mabigyan ng sariling spot to shine, di ba, pero grupo kami, kaya nga Birit Queens. Kaya kung mayroon akong hindi maintindihan o mayroon silang hindi maintindihan na kaya kong tumulong, e magtutulungan po.”

Dagdag pa ni Morisette, “Grateful po kami na nagugustuhan nila ’yung showdown. Pero wala sa amin iyon.’’

Ang ASAP Birit Queens ang isa sa mga inaabangang segments ngayon sa ASAP, na napapanood tuwing Linggo ng tanghali sa ABS-CBN. (Glen P. Sibonga)

comments