Home » Entertainment » Regine turns emotional as ‘Poor Señorita’ ends

Regine turns emotional as ‘Poor Señorita’ ends

Regine

NAGING emotional si Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid sa kanyang social media account kamakailan dahil nag-last taping day na ang kanyang pinagbibidahang primetime teleserye na “Poor Señorita.”

Sobra raw mami-miss ni Regine ang lahat ng taong involved sa naturang teleserye, lalo na ang kanyang co-stars, director at ang buong production staff na naging very patient sa kanya.

Ang “Poor Señorita” ang naging pagbabalik ni Regine sa paggawa ng teleserye after more than five years.

Inamin niya noong nangapa siya sa unang taping day niya dahil matagal na raw siyang hindi umaarte sa TV.

Kaya nagulat na lang si Regine noong dumating na ang last taping day nila. Para lang daw kelan lang ay nagsimula sila.

Heto ang pinost ni Regine sa kanyang Instagram account:

“We are officially done with taping.

“Salamat sa lahat ng nakatrabaho ko mula sa aking direktor sa staff at sa crew, specially sa mga artistang naging bahagi ng #poorseñorita

“I had so much fun working with you guys. Medyo nahirapan tayong lahat dahil sa init pero naging masaya pa rin tayo.

“Thank you so much to all the writers, salamat sa napaka gandang story, isa si Rita sa mga hindi ko malilimutang character na ginampanan ko.

“Thank you to GMA, salamat sa aking mga boss sa pagbibigay ng magandang project sa akin. Higit sa lahat maraming salamat po sa pagsubaybay ninyo sa makulay na buhay ni Rita. Sana po patuloy nyo pa kaming subaybayan mami-miss ko ang aking mga anak, for now im back being mommy to Nate and wife to my husband.

“Hangang sa susunod na adventure po!!!!! To GOD be the Glory”

Nag-host pa ng cast party si Regine para sa mga nakasama niya sa “Poor Señorita.”

Lahat ay nakatanggap ng mamahaling regalo mula kay Regine. Tulad nila Sheena Halili at Valeen Montenegro na nakatanggap ng Gucci shoes at mga iPad Mini naman ang natanggap ng mga child actors ng show. (Ruel J. Mendoza)

comments