Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Barbie takes Kiko as BF

Barbie takes Kiko as BF

Kiko Estrada

Turning 19 years old si Barbie Forteza on July 31 at first time niyang magse-celebrate na may boyfriend, si Kiko Estrada. For sure, magiging memorable birthday celebration ever ito ni Barbie.

Wala siyang bonggang debut party last year at simpleng birthday celebration lang ang ginanap kasama ang mga kaibigan niyang tweenstars na nakatrabaho niya sa defunct youth-oriented show, “Tweenhearts” tulad nina Bea Binene, Derrick Monasterio, Joyce Ching, Kristoffer Martin to name a few.

Hindi namin matandaan kung ‘andu’n din si Kiko Estrada na kasama rin noon sa “Tweenhearts.” Si Kim Rodriguez pa ang apple of the eye ni Kiko that time.

Sino bang mag-aakala na after one year ay magiging boyfriend pala ni Barbie si Kiko? Nagkatrabaho sila sa “That’s My Amboy” na si Andrei Paras ang kapareha ni Barbie. Pero off-camera ay sina Barbie at Kiko ang nagka-in love-an.

Tanggap ng pamilya ni Barbie ang relasyon nila ni Kiko dahil mabait at mapagkakatiwalaan daw ang binatang anak nina Gary Estrada at Cheska Diaz. Curious lang kami, nadala na kaya ni Kiko si Barbie sa farmhouse ng kanyang daddy Gary sa San Antonio, Quezon? Naipakilala na kaya si Barbie ni Kiko sa kanyang daddy at stepmom na si Bernadette Allyson at sa kanyang biological mom na si Cheska?

Big challenge

Wala pang next project si Barbie Forteza sa Kapuso Network matapos ang “That’s My Amboy.” Napapanood naman siya sa “Sunday Pinasaya.”

Si Kiko ay may upcoming project, ang “Sinungaling Mong Puso” with Rhian Ramos, Rafael Rosell, Glydel Mercado, Michael de Mesa, among others. May pagka-sexy ang tema, kaya nag-e-effort si Kiko maging physically fit.

Araw-araw siyang nag-wo-work out at healthy food ang kinakain niya. Ani Kiko, kailangan ang self-discipline para ma-achieve niya ang magandang porma ng kanyang katawan. Hindi pa niya alam kung may topless scene siya, pero handa naman siyang mag-hubad kung kinakailangan sa istorya.

Aniya, pinanood niya ang movie version ng “Sinungaling Mong Puso” na pinagbidahan nina Vilma Santos, Gabby Concepcion, Aga Muhlach at Aiko Melendez. Role ni Aga ang gagampanan ni Kiko sa TV version nito na ayon kay Kiko, big challenge sa kanya na mag-portray ng karakter na ginampanan noon ni Aga. Expected na niyang ikukumpara ang acting nila, pero ayon kay Kiko, magkaiba sila ng atake sa role at gagawin niya ang kanyang best para hindi mabigo ang tiwala at expectations sa kanya ng GMA7.

Kakasuhan

Mamaya sa “Once Again,” magsasampa ng kaso si Tony (Emilio Garcia) laban kay Lukas (Joko Diaz). Sasabihin na ni Madel (Jean Garcia) kay Des (Janine Gutierrez) ang kalagayan niya. Papipiliin ni Madel si Des kung siya o si Agnes (Sheryl Cruz). Hindi maniniwala si Agnes na may sakit si Des.

Heart and Jennylyn
vs Marian

Hindi lang si Heart Evangelista ang “isinasabong” ng mga intrigero’t intrigera kay Marian Rivera. Pati si Jennylyn Mercado na tinaguriang Ultimate Star ng GMA7. Si Marian naman ang Kapuso Primetime Queen.

Pinagtatalunan kung alin ba raw ang mas mataas na levelling, ang Ultimate Star o Kapuso Primetime Queen? May mga nagsasabing hindi na dapat tawaging Kapuso Primetime Queen si Marian dahil wala naman siyang primetime teleserye.

Anila, host na lang siya ng morning talk show, “Yan ang Morning.” Deadma lang si Marian sa mga nang-iintriga sa kanila ni Jennylyn. Wa care siya gaya ng mga nang-iintriga sa kanila ni Heart. Ani Marian, nag-e-enjoy siya bilang host at marami siyang natututunan, kesa patulan ang pang-iintriga sa kanya kina Heart at Jennylyn. Tama!

comments