Home » Sports » Blu Girls talo uli

Blu Girls talo uli

Nalasap ng Philippine Blu Girls ang ikalawang sunod nitong kabiguan matapos yumukod sa China, 8-1, sa 16th World Cup of Softball XI and Border Battle VIII 2016 sa OGE Energy Field ng ASA Hall of Fame Complex sa Oklahoma City.

Agad nagpasabog ng pitong run sa unang inning pa lamang ang China bago nakapagpasok ng isa sa ikalawang inning upang tapusin ang laro sa loob ng limang inning.

Nag-pitch para sa Pilipinas si Dione Macasu sa two-thirds ng unang inning bago pinalitan. Nagbigay si Macasu ng kabuuang limang hits at anim na run. (Angie Oredo)

comments