Home » Entertainment » Director says Alden, Maine inseparable during shoot in Italy

Director says Alden, Maine inseparable during shoot in Italy

Alden and Maine

First-hand witness ang film and TV director na si Direk Mike Tuviera sa pagiging sweet sa isa’t isa nina Pambansang Bae Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub habang nasa shooting sila ng pelikulang “Imagine You & Me” sa Como, Italy.

Ayon kay Direk Mike ay “inseparable” daw ang dalawa habang nasa Italy sila.

Dagdag pa niya ay tila may sariling lengguwahe daw ang dalawa na silang dalawa lang ang nakakaalam at nakakaintindi.
“Maine and Alden seem to have their own language when they’re together.

“The rest of us just listen until we get the gist,” natatawang kuwento pa niya.

Hindi nga raw mabilang ni Direk Mike ang maraming masasayang experiences nila sa Italy. Kabilang na rito ang pagdagsa ng maraming Pinoy fans sa kanilang shooting site.

Hanggang doon daw sa Como ay nasundan sila ng AlDub Nation.

“One of the best experiences about shooting abroad is how many fans we were able to meet along the way. Kakaiba talaga ang mga fans nila.

“Hindi namin ini-expect talaga na may mga darating na mga fans. Kasi we are in the northern part of Italy at bihira ang may mag-shoot ng movie sa Como.

“But everywhere we shoot there, may group ng fans na sumusunod sa amin. Kaya well documented ang shooting namin doon via social media.

“Sabi nga ng mga nakausap namin na locals doon, they are amazed with the popularity of Alden and Maine dahil sa rami ng mga fans na pumupunta sa shooting namin doon.

“Hindi raw nila na-experience ‘yan with the big Hollywood stars na nag-shoot ng movie sa Como.

“At ang maganda sa dalawang ito, they are very accommodating.

“Kahit na inabot kami ng iba’tibang weather doon while we are shooting, kapag may fan na gustong magpa-selfie with them, game sila parati.

“Gano’n nila kamahala ang mga fans nila kaya kahit pagod sila, they really make an effort to accommodate them dahil ‘yung iba kasi ay bumiyahe pa ng malayo just to see them.”

“Imagine You & Me” opens in theatres nationwide on July 13. It also stars Irma Adlawan, Cai Cortez, Cacai Bautista and Jasmine Curtis-Smith. (Ruel J. Mendoza)

comments