Home » News » News Roundup » Drug suspect itinumba

Drug suspect itinumba

Isa pang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot ang itinumba ng apat na hindi kilalang armadong lalaki habang siya’y papauwi sa Caloocan City noong Huwebes ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang napatay na si Wilfredo “Willy” Loto, 37, residente ng Barangay Grace Park, Caloocan. Base sa police investigation, naglalakad pauwi si Loto bandang 8 p.m. nang mapuna niyang sinusundan siya ng apat na kalalakihan na nakasakay sa dalawang motorsiklo.

Kumaripas ng takbo si Loto habang sumisigaw ng saklolo, ngunit walang nagawa ang mga barangay tanod nang habulin at pagbabarilin siya ng mga lalaki.Namatay noon din si Loto habang mabilis naman tumakas ang mga salarin.

Ayon sa mga nakakita ng insidente, nakasuot ng mga suspek ng helmet, black t-shirts at denim pants. Na-recover sa katawan ng biktima ang dalawang sachet ng shabu, isang tooter, at aluminum foils.

Nakuaha crime scene ang limang basyo ng bala mula sa .45-caliber pistol. Nalaman mula sa mga residente ng lugar na kilalang drug user at pusher si Loto. (Jel Santos)

comments