Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gerald admits great crush on Bea

Gerald admits great crush on Bea

Bea Alonzo

Nalibot na ni Yassi Pressman ang tatlong TV networks na nagsimula siya sa GMA7 via defunct youth-oriented show, “Tweenhearts.” Itinampok din si Yassi sa ilang teleserye, but sad to say, hindi nagningning ang kanyang bituin.

Mas natatandaan pang naging girlfriend siya ni Sef Cadayona. Pero nagkaroon ito ng change of heart. Nabaling ang atensiyon ni Sef kay Andrea Torres na hindi nila maamin na may “something” sila. Break na nga ba sila o sila pa rin?

Lumipat si Yassi sa TV5. Pero wala ring nangyari sa kanyang career. Contract star siya ng Viva Films at gumawa siya ng ilang pelikula. But then again, hindi pa rin nag-shine ang kanyang bituin. Bakit kaya? Maganda naman si Yassi, may talent, press-friendly.

Kasama si Yassi sa celebrity housemates sa bagong season ng “Pinoy Big Brother: Lucky 7” ng ABS-CBN. Nawa’y makatulong sa career ni Yassi ang exposure niya sa PBB. Good luck!

Wife material

Ano kaya ang reaction ng ex-girlfriends ni Gerald Anderson na sina Kim Chiu at Maja Salvador sa sinabi niya sa “Tonight with Boy Abunda” na wife material si Bea Alonzo? Kilig-kiligan pang sabi ng Kapamilya actor na bata pa siya’y crush na niya si Bea. Mas lalo pa raw tumindi ang crush niya ngayon sa dalaga.

Inamin ni Gerald na nagkaroon sila noon ng “something” ni Bea. Natatandaan pa namin na kainitan ng love team noon nina Gerald at Kim. Sobrang bayolente ang Kimerald fans nila at binantaan pa ng mga ito na diumano’y sasabuyan nila ng asido sa mukha si Bea. Diumano pa rin, may death threat noon si Bea.

Natatandaan pa rin namin na sa isang presscon ng pelikula nina Gerald at Kim ay napaiyak si Gerald at nag-walk-out pa siya na ikinabigla ni Kim.

Magka-third chance kaya?

Ma-win back kaya muli ni JM de Guzman ang puso ni Jessy Mendiola? Nagka-second chance na sila matapos lumabas si JM mula sa isang rehabilitation center a year ago or so.

Nagka-second chance rin si JM sa kanyang career at binigyan siya ng teleserye ng ABS-CBN. But then, hindi niya natapos dahil diumano’y bumalik si JM sa dati niyang bisyo at muli siyang ipinasok sa rehabilitation center.

Ang latest, mukhang okey na uli si JM. Nag-viral ang video niya na kinakanta niya ang “When I Was Your Man” ni Bruno Mars. Sinundan niya ito ng “Akin Ka Na Lang” na obviously ay patungkol sa ex-GF niyang si Jessy.

May Luis Manzano na nali-link ngayon kay Jessy. Inamin ng huli na lumalabas sila ni Luis. Minsan ay group date sila.

Sinabi rin ni Jessy na may tsansang sagutin niya si Manzano kapag nanligaw ito sa kanya. Hindi pa ba?

Na-link din si Jessy kay JC de Vera. Sa isang interbyu, inamin ni JC na balak niyang pormahan noon si Jessy. Kaya lang ay nakipagbalikan ito kay JM. Mangyari kaya ito ngayong si Luis naman ang nali-link kay Jessy? Kapag nagka-third chance sina Jessy at JM, it must be true love.

comments