Home » News » News Roundup » Pusher patay sa shootout

Pusher patay sa shootout

Todas ang isang hinihinalang drug pusher nang makipagbarilan sa mga pulis na inatasang humuli sa isang wanted murder suspect sa Pasig City bandang 1 a.m. kahapon.

Base sa police report, nakilala ang napatay na si Allan Pula. Bago maganap ang shootout, lumakad ang Pasig City operatives para arestuhin ang isang nagngangalang “Andog”, wanted sa pagpaslang kay si PO2 Jason Cueto noong 2015, sa Luis Street, Barangay San Miguel.

Pagdating sa naturang lugar, namataan ng police team na pinamumunuan ni Senior Inspector Roberto Garcia si Andog na nakikipag-usap kay Pula.

Nang Makita ang mga papalapit na alagad ng batas, kaagad na bumunot ng mga baril ang dalawang suspek at pinaputukan ang mga pulis.

Sa gitna ng pagpapalitan ng putok, nagawa ni Andog na tumakas sakay ng motorsiklo habang naiwan naman si Pula na bumulagta sa daan matapos tamaan ng mga bala.

Dead on arrival siya sa Rizal Medical Center. Na-recover ng mga imbestigador sa crime scene ang isang .38-caliber gun at shabu na nakalagay sa plastic sachets. (Jenny F. Manongdo)

comments