Home » Entertainment » Rafael Rosell: ‘Maraming mas batang aktor ngayon’

Rafael Rosell: ‘Maraming mas batang aktor ngayon’

Rafael Rosell

After ng romantic-comedy teleserye na “Because Of You”, isang heavy drama naman ang gagawin ng Kapuso hunk na si Rafael Rosell sa bagong GMA-7 teleserye na “Sinungaling Mong Puso.”

Nagpapasalamat si Rafael dahil sa pagpili sa kanya na gumanap bilang si Roman na originally ay ginampanan ni Gabby Concepcion sa 1992 movie nito na dinirek ni Maryo J. Delos Reyes.

Dahil sa mga acting workshops na sinalihan na ni Rafael, bibigyan niya ng sariling interpretation ang role na ipinagkatiwala sa kanya.

“I think talaga, times have changed. It was different kung ano ‘yung pagkatao namin mula sa dati.

“It’s a brand new story na ire-revive namin so siyempre ‘yun ang kakaiba dito sa story na ito.

“Yung new roles namin is enough to push us out of our comfort zone, but at the same time, enough to propel us to further enhance our craft.

“Hopefully it will also propel the audience to keep watching the new and different us,” diin pa niya.

First time na gaganap si Rafael sa isang mala-kontrabida na role. Malayo raw ito sa mga nagawa na niyang teleserye tulad ng “The Borrowed Wife,” “Second Chances” at “Temptation of Wife.”

“It is something that I look forward to.

“I am open to play any kind of roles. Kaya nga tayo actor, ‘di ba? The more diverse the better.

“I can’t be leading man forever kasi marami ng bagong actors na mas bata. I need to open myself to changes like this.

It will be good for me in the long run.”

Makakasama ni Rafael sa Sinungaling Mong Puso ay sina Rhian Ramos, Kiko Estrada, Jazz Ocampo, Stephanie Sol, Michael de Mesa, Glydel Mercado, Cheska Diaz, Sherilyn Reyes-Tan, Gee Canlas, JC Tiuseco at Gab de Leon. (Ruel J. Mendoza)

comments