Home » News » News Roundup » Barangay tanod tinodas

Barangay tanod tinodas

Patay ang isang barangay tanod pagkatapos pagbabarilin ng dalawang lalaki sa Barangay 783, Zone 95, Sta. Ana, Manila noong Biyernes.

Kinilala ang biktima na si Christopher Granada, 37, barangay tanod ng Sta. Ana, Manila. Ayon sa imbestigasyon, nakarinig ng mga putok ng baril ang mga residente at nakita ang bangkay ng biktima na nakahandusay sa Zobel Roxas St. pagkatapos.

Ayon kay Emilio Cana, 53, barangay chairman, huling nakitang buhay ang biktima habang nakikupagusap sa kanyang kapwa tanod.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa katawan ang biktima na ikinamatay nito. Nakunan ng closed-circuit television camera ang insidente na kung saan nakita kung papaano pinatay ng mga suspek ang biktima.

Dumating ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo at bumaba ang isa sa kanila at binaril ang biktima. Natumba ang biktima at tumayo pero tinuluyan siya ng pangalawang suspek.

Tumakas ang mga suspek pagkatapos ng insidente. (Betheena Kae Unite)

comments