Home » Sports » Blu Girls bokya uli sa Dutch, 0-6

Blu Girls bokya uli sa Dutch, 0-6

Muling nabokya ang Team Philippines Blu Girls sa nakatapat nitong The Netherlands, 0-6, tungo sa ikalimang sunod nitong kabiguan sa 16th World Cup of Softball XI and Border Battle VIII 2016 sa OGE Energy Field ng ASA Hall of Fame Complex sa Oklahoma City, United States.

Tatlong run ang agad itinala ng mga Dutch sa unang inning bago sinundan ng tig-isa sa ikalawa, ikatlo at ikalimang inning upang tuluyang patalsikin ang Blu Girls sa torneo kahit may dalawa pa itong natitirang laro.

Huling makakalaban ng Pilipinas ang Venezuela at ang Australia.

Nagtala si Van Aalst ng dalawang RBIs sa kanyang tatlong hits para sa The Netherlands kung saan limang runs ang isinagawa nito sa unang tatlong inning bago kumpleting pinosasan ang kamay ng mga Pinay tungo sa ikatlo nitong panalo sa loob ng apat na laro.

Ginulat ni Eva Voortman ang Pilipinas matapos nitong ma-strike out ang siyan na batters. Itinala din ng pitcher ng Netherlands ang limang innings na shutout ball habang nagbigay lamang ng dalawang hits.

Pumukol para sa Pilipinas si Sierra Lange na nagbigay lamang ng apat na hits at isang earned run, isang walked at dalawang strike out sa kanyang limang inning sa rubber. (ANGIE OREDO)

comments