Home » News » News Roundup » Hit and run victim sa Pasay

Hit and run victim sa Pasay

Natagpuang patay ang isang hinihinalang biktima ng hit-and-run sa Pasay City kahapon. Ang biktima ay tinatayang may tangkad na 4’9”, katamtaman ang kulay, at nakasuot ng itim na shirt at pants at sumbrero.

Ayon kay SPO2 Marilou Intia ng Pasay police Station Traffic Enforcement Unit, natagpuan ang bangkay sa Roxas Boulevard sa harap ng Cuneta Astrodome.

Hinala ni Intia na nasagasaan ang biktima ng ilang beses dahil durog ang mukha at halos mahati ang katawan nito.

“Wasak na wasak ang mukha at ‘yong pigi ay durog na durog. Ang hinala namin ay makailang beses ito nasagasaan,” sinabi ni Intia. (Martin A. Sadongdong)

comments