Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 2 teenager patay sa aksidente

2 teenager patay sa aksidente

CAMP JUAN, Ilocos Norte – Dalawang teenager ang nasawi sa dalawang magkahiwalay na aksidente sa national highway kahapon.

Sumalpok ang motorsiklo na sinasakyan ng 19-anyos na si Arian Joseph Honorio sa isang Innova vehicle na nakahimpil sa highway.

Isang college student at residente ng Barangay San Juan, Solsona, Ilocos Norte, tumilapon si Honorio dahil sa lakas ng pagkaka-bangga nito at agad na isinugod sa ospital kasama ang naka-angkas dito na si Renz Marlonne Refani, 19-anyos.

Dead on arrival si Honorio habang nilalapatan na ng lunas si Refani sa lokal na pagamutan. Agad naman na sumuko ang driver ng Innova na si Ericson Juan, 51-anyos at residente ng Laoag City.

Samantala isa pang teenager ang agad na binawian ng buhay matapos mahulog sa isang canal ang sinasakyan nitong tricycle sa Brgy. Nagsurot, Burgos, Ilocos Norte.

Dead on arrival din si Almira Jane Palacay, 18-anyos dahil sa matinding pinsala sa katawan na natamo nito nang lumusot sa isang malalim na canal ng sinasakyan nitong tricycle na minamaneho ni Edward Palacay.

Sugatan din ang ilan pa sa mga nakasakay sa tricycle na kinilalang sina Emy Avia, 62-anyos; Shiela Avian, 29-anyos; Ibana Bae Ortega, 7-anyos at Christian Balaan, 3-anyos. (Freddie G. Lazaro)

comments