Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Lalaki nadaganan ng puno

Lalaki nadaganan ng puno

ANGONO, RIZAL – Dead on the spot ang isang lalaki nang madaganan ito ng puno ng camachile habang naglalakad sa kahabaan ng Col. Guido Ext. Street sa loob ng Saint Clement Subdivision sa Brgy. San Roque.

Ayon sa ulat sa Angono Police Station, naglalakad ang biktima na si Jose Marie Carias, 26-anyos, sa naturang lugar Sabado ng hapon nang mabagsakan ito ng nasabing poste.

Tinamaan din ng nasabing puno ang isang post eng Meralco na nakitang nakabagsak malapit sa biktima. Naniniwala ang pulisya na malakas ang tunog ng suot na headset ng biktima, dahilan para hindi nito marinig ang bumabagsak na puno. (Nel B. Andrade)

comments