Home » News » News Roundup » Lifestyle check sa 3 heneral

Lifestyle check sa 3 heneral

Iniutos kahapon ni Interior and Local Government Secretary Mike Sueno ang pagsasagawa ng lifestyle check sa lahat ng tauhan ng Philippine National Police.

Ani Sueno, dito makikilala at matatanggal ang mga pulis na sangkot sa iligal na gawain.

Unang sasalang sa lifestyle check ang tatlo sa limang heneral ng PNP na protektor ng nga sindikato ng droga ayon kay Pangulong Duterte na sina Chief Supt. Bernardo Diaz, Director Joel D. Pagdilao, at Chief Supt. Edgardo G. Tinio.

Ayon kay Sueno, sinimulan nang imbestigahan ang tatlong aktibong heneral ng National Police Commission at nangangalap na ng impormasyon ang mga abogado ng ahensiya tungkol kay retiradong Chief Supt. at ngayon ay Daanbantayan, Cebu Mayor Vicente Loot.

Si Loot ay ang pangapat samantalang si retiradong Deputy Director General Marcelo Garbo ang panglimang heneral na pinangalanan ni Duterte. (PNA)

comments