Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Lolo nalunod sa balon

Lolo nalunod sa balon

CAMP JUAN, Ilocos Norte – Isang retired government employee ang natagpuang lumulutang sa isang balon sa Barangay Subec, Pagudpud, Ilocos Norte nitong nakaraang Sabado.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Vicente Aguinaldo, 79-anyos at nag-isang naninirahan sa kaniyang tahanan. Huling nakitang buhay ang biktima noong hapon ng Biyernes.

Posible umanong nalunod ang biktima habang ito ay naliligo dahil na din sa nakita ang mga damit nito katabi ng balon. (Freddie Lazaro)

comments