Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Motor sumalpok sa van

Motor sumalpok sa van

SILANG, Cavite – Isa ang patay habang sugatan ang kasama nito nang sumalpok ang kanilang motor sa isang van habang binabaybay ang Aguinaldo Highway sa Barangay Lalaan.

Ayon kay case investigator PO2 Erwin Magno Laureles, dead on arrival ang biktima na si Nanie Amon Alcantara, 46-anyos dahil sa natamong pinsala sa katawan habang nagpapagaling ang kasama nito na si Felix Sarmiento Alcantara, 46-anyos.

Arestado ang driver ng van na si Hernan Nocalan Benitez, 36-anyos na kakasuhan ng reckless imprudence resulting in homicide and damage to property. (Anthony Giron)

comments