Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 3 minero patay sa poisonous gas

3 minero patay sa poisonous gas

BUTUAN CITY – Tatlong minero ang nasawi matapos ma-suffocate ng nakalalasong amoy sa loob ng isang minahan Biyernes ng hapon sa Barangay Ellaperal, Placer town, Surigao del Norte.

Patay na nang madatnan ng mga pulis ang mga minero na sina Joar B. Olayvar, 30-anyos, Francisco Daniolco, 27-anyos, at isang ‘Ritsobal’ na pare-parehong residente ng bayan ng Placer.

Ayon sa survivor na si Dario B. Arco, 27-anyos, pinasok nilang apat ang isang minahan habang naghihintay sa labas ang dalawa pa nilang kasamahan.

Matapos ang dalawang oras ay nagkaroon ng hindi kanais-nais na amoy sa loob na agad ikinahilo nilang apat. Tanging si Arco lamang ang nakagapang palabas ng minahan, kaya naman agad nitong ini-report sa pulis ang mga pangyayari.

Samantala nanawagan naman si 13th Mines Geo-Sciences Bureau (MGB) Regional Director Alilo C. Ensomo na manmanan ng awtoridad ang kanilang lugar upang pigilan ang mga iligal na small-mining activities. (Mike U. Crismundo)

comments