Home » News » News Roundup » Anti-drug dad patay sa ambush

Anti-drug dad patay sa ambush

Isang barangay kagawad na kilalang mahigpit sa pagpapatupad ng kampamya laban sa bawal na gamot sa kanilang lugar ang napatay nang tambangan ng dalawang hindi pa nakikilang lalaki habang siya’y papauwi sakay ng motorsiklo sa Barangay Tugatog bago magtanghali kahapon.

Dead on the spot si Kagawad Dapolito “Jojo” Sarto, of Barangay Tugatog, Malabon, dahil sa mga tama ng bala sa ulo at katawan.

Base sa inisyal na imbestigasyon, papauwi na ang biktima sakay ng kanyang motorsiklo galing ng barangay hall bandang 11 a.m. nang harangin at pagbabarilin ng dalawang lalaki na nakasakay din sa motorsiklo.

Nalaman ng mga pulis mula sa mga residente ng barangay na si Sarto ay isang mahigpit na tagapagpatupad ng batas laban sa illegal drugs sa kanilang barangay.

Sinasampahan umano ni Sarto ng kaukulang kaso ang bawat drug personality na nahuhuli sa kanilang lugar, ayon sa police. (Ed Mahilum)

comments