Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Ex-pulis, laglag sa buy-bust

Ex-pulis, laglag sa buy-bust

CALAPAN CITY, Oriental Mindoro – Arestado ang isang retiradong pulis at isang empleyado ng gobyerno sa isang buy-bust operation noong nakaraang Biyernes sa Sitio Aguada, Brgy. Poblacion.

Kinilala ni Superintendent Jaycess D.S. Tolentino ang dalawang suspek na sina Rupino Rapeza, 53-anyos, residente ng Brgy. Wawa Pinamalayan, Oriental Mindoro, at Edwin E. Ocon, 48, ng Brgy. Poblacion, Puerto Galera.

Nahulihan ang mga suspek ng dalawang plastik ng hinihinalang shabu, limang pirasong sachet na naglalaman ng marijuana, at iba pang drug paraphernalia.

Inihayag pa ni Tolentino na nagpanggap si Rapeza bilang dating Police Officer 3 sa Philippine National Police (PNP) samantalang nagtratrabaho naman daw sa isang water utilities office ang pagpapakilala ni Ocon. (Jerry J. Alcayde)

comments