Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Away sa lupa nauwi sa pagpatay

Away sa lupa nauwi sa pagpatay

MARIVELES, Bataan – Nakilala na ng awtoridad ang pumatay sa isang lady bar owner kamakailan. Ayon kay Supt. Crizalde Conde, chief of police, base sa kanilang nakalap na impormasyon mula sa mga testigo na ang anggulong “Agaw Lupa” ang pinaghihinalaang motibo sa pagpatay kay Gloria Capitan, 57-anyos.

Isang testigo na pinangalanang Arriane Jabasa, isang waitress sa Refreshment Bar, ang nagsabi na nakaupo umano ang biktima sa pasilyo ng refreshment bar habang naglalaro ng kanyang cell phone nang biglang tumigil sa harapan nito ang isang riding-in-tandem at agad siyang pinagbabaril.

Tatlong gunshot wounds sa kanyang ulo ang natamo ng biktima na naging sanhi ng kanyang agarang pagkamatay. Napag-alaman na ang biktimang si Gloria Capitan ay ang pang-apat na lider ng land owners’ association na napatay dahil sa land dispute, kasama ang isang magkasintahan na di-umano’y nangangalap ng lupa sa may Lucanin. (Mar T. Supnad)

comments