Home » Entertainment » Kim, naglipana sa showbiz

Kim, naglipana sa showbiz

Kim Dominggo

May tatlong Kim na babae sa showbiz. Si Kim Chiu, si Kim Rodriguez at si Kim Domingo. May Kim Jones pa pala na asawa ni Jericho Rosales. Si Kim Atienza ang lalaking Kim.

Sa mga babaeng Kim, mukhang si Kim Domingo ang paboritong pinag-uusapan at sinasabing bagong Pantasya ng Bayan. Siya rin ang may pinakamalaking “boobs” at “behind”. Parang ang bigat-bigat dalhin ng kanyang mga dibdib, kaya may mga nagtatanong kung totoo raw bang mga ‘yun, pati ang kanyang “behind”?

Sa isang nabasa naming article tungkol kay Kim, inamin niyang nagpa-breast enhancement siya. Eh, ang “behind” kaya niya, epekto rin ng “salamat po doktor”?

At least, nagpakatotoo si Kim. Eh, sina Kim Chiu at Kim Rodriguez, may ipinaretoke rin kaya silang bahagi ng kanilang katawan?

May boyfriend na si Kim Domingo, ang basketball player ng University of Perpetual Help sa Laguna na si Michael Acuña. Hindi kaya makabawas sa pagiging Pantasyang Bayan ni Kim na “taken” na siya?

May mga nagsasabing ang bilis daw maka-move-on ni Kim. Agad siyang nakahanap ng kapalit matapos silang mag-break ng kanyang non-showbiz boyfriend na isang businessman.

Bago pa lang sumisikat si Kim at sana’y mabalanse niya ang career at lovelife. Huwag sana siyang matulad sa ibang female stars na napabayaan ang career dahil sa lovelife.

comments