Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Piñol haharap sa Bicol farmers

Piñol haharap sa Bicol farmers

Naga City – Nakahanda ngayon upang makipagkita ang bagong kalihim ng Department of Agriculture (DA) na si Secretary Manny Piñol sa mga gobernador at kongresista sa Bicol.

Makikipagkita at kakausapin din ni Sec. Piñol sa unang pagkakataon ang mga lider sa Bicol at lider ng mga magsasaka sa regional office ng DA sa Pili, Camarines Sur.

Ayon kay BFAR Regional Director Dennis Del Soccoro, isang malaking oportunidad para sa kalihim ang malaman ang saloobin ng mga magsasaka at mangingisda ng rehiyon kaugnay

ng mga programa at proyektong inihahanda ng DA upang agad na matugunan ang mga ordinaryong katulad nila. Kasama ng kalihim sina Usec Alex Cayanan at Asec Richard Ano na magbibigay din ng iba pang kagamitan at makinarya na magagamit ng mga magsasaka sa bukid. (Sarah Imperial)

comments