Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Aktor, kinikilig kay Maine

Aktor, kinikilig kay Maine

Maine and Alden

Kinabog ng AlDub love team nina Alden Richards at Maine Mendoza ang ibang love teams dahil sila ang nanguna sa 100 Most Beautiful Stars for 2016 ng Yes! Magazine at cover pa sila sa 10th anniversary issue nito.

Ayon kay Alden, dream come true na nai-cover siya na aniya, for six consecutive years ay kasali siya sa list ng 100 Most Beautiful Stars. “It’s a privilege, a big opportunity. It’s really an honor,” he said. “This honor parang makes us want to do more, ipakita na ang title given to us, we will not take for granted,” pahayag ni Alden sa presscon.

“Nagulat ako. Masaya, since first time ko ito, tapos cover pa,” saad naman ni Maine. First anniversary din niya sa showbiz at natiyempo pang may solo movie sila ni Alden, ang “Imagine You & Me.” Ani Maine, malaking bagay na naicover sila ni Alden sa anniversary issue ng Yes! Magazine.

Asked kung ano ang real score between them, “What you see is what you get,” sabi ni Alden. “Basta masaya lang kami,” wika naman ni Maine.

Kinikilig

For sure, nakita ni Derrick Monasterio si Maine Mendoza noong presscon ng Yes! 100 Most Beautiful Stars for 2016.

May table kung saan magkakasama ang Kapuso stars. Ewan lang kung nakita siya ni Maine na mukhang naka-focus lang ang atensiyon kay Alden Richards. Hindi sila umupo sa kinalulugaran ng Kapuso stars. Magkasabay silang pumasok sa function room ng Luxent Hotel kung saan ginanap ang presscon at diretso agad sila sa stage.

Solong dumating si Derrick na ang bungad namin ay, “Magkikita kayo.” “Kinikilig nga ako,” buwelta ni Derrick. Kahit walang banggitan ng pangalan kung sino ang tinutukoy namin, sabi ni Derrick, “Alam ko na. Meron pa bang iba (laughs)?” ‘Yun na!

Matatandaang nagkaroon ng isyu kina Derrick at Maine noong aksidenteng nagkita sila sa Subic. By the way, nasa Dreamboats category si Derrick sa listahan ng Yes! 100 Most Beautiful Stars for 2016.

Babaeng in love

Nakausap namin si Barbie Forteza sa presscon ng Yes! 100 Most Beautiful Stars for 2016 at ipinagtanggol niya si Kiko Estrada. Feeling daw niya ay hindi naman siya idinenay ni Kiko sa interbyu sa huli sa isang presscon. Sinabi kasi ni Kiko na nasa dating stage pa lang sila ni Barbie.

Napag-usapan daw nila na mag-focus muna sila sa kanilang respective careers.

And more

Sa “Yan ang Morning,” bibisita sina Marian Rivera at Boobay sa beauty salon ni Mother Ricky Reyes. Guests sina Jak Roberto at Rodjun Cruz na magbabahagi ng kanilang kaalaman sa male grooming.

Tutok lang sa YAM at 9:30 am sa GMA7.

Sa “Once Again,” magtataka si Aldrin (Aljur Abrenica) sa nangyayari sa kanya. Confused siya bakit humiwalay ang kaluluwa niya.

comments