Home » News » News Roundup » Couple pinaslang sa tricycle

Couple pinaslang sa tricycle

Patay ang mag-live-in partner nang pagbabarilin habang nagpapahinga sa loob ng isang tricycle sa Las Piñas City nitong Martes, ayon sa pulis.

Sinabi ni Senior Supt. Jemar Modequillo, Las Piñas police chief, na malaki ang posibilidad na may kinalaman sa illegal drug trade ang pagpatay kay Sadim Avia at sa kanyang live-in partner na si Shiela Mariel Pasayon.

Natagpuan ang mga bangkay ng dalawa sa loob ng green tricycle na nakaparada sa kanto ng Mahogany at Sampaloc Streets, Barangay Pilar, Las Piñas City, bandang 6:30 a.m. Base sa report na ibinigay ni Senior Inspector Romeo Britanico, hepe ng Investigation Division, inamin ng tiyahin ni Pasayon na si Diza na maaring pinatay ang dalawa dahil sa pagbebenta ng bawal na gamot.

Sinabi ni Modequillo na bago natagpuan ang mga bangkay ng dalawa, nakita sila ng mga kapitbahay na nagpapahinga sa loob ng tricycle dakong alas-2 ng umaga. Noong oras ding iyon, narining ng mga residente ang sunod-sunod na putok ng baril, ayon kay Modequillo. (Jean Fernando)

comments