Home » Entertainment » Kiko bravely takes on Aga Muhlach role

Kiko bravely takes on Aga Muhlach role

Kiko Estrada

Unti-unti na ngang nakakamit ni Kiko Estrada ang magagandang break sa kanyang showbiz career.

Tulad ngayon ay isa siya sa bida ng upcoming teleseryeng GMA-7 na “Sinungaling Mong Puso.”

Based on the 1992 Maryo J. delos Reyes film produced by Regal Films, gagampanan ni Kiko ang papel na Jason na originally ay ginampanan ni Aga Muhlach sa film version.

Malaking challenge ito para kay Kiko dahil alam niyang na-ging award-winning role ito para kay Aga. Nanalo si Aga ng dalawang best actor awards (Star Awards and FAMAS) bilang Jason.

“When they asked me to audition for the role, hindi ko inisip na mapipili ako.

“I know na marami kaming nag-audition for the part of Jason. Hindi ko lang alam kung sino sila kasi may kanya-kanya kaming araw yata ng audition.

“Noong tinawagan na ako at sinabi pa ni Direk Ricky Davao na mag-workout ako, that means na I got the role.

“Sobra akong natuwa kasi it’s a big break for me. I promised napagbubutihan ko ang pagganap ko sa role na Jason,” kuwento pa ni Kiko.

Isang fun-fact pa ay ipina-nganak si Kiko the same year na ipinalabas ang “Sinungaling Mong Puso.” Kiko is the son of actor Gary Estrada with actress Cheska Diaz.

“Yes, I was born in 1992. Kaya newborn ako when the movie was shown.

“Nakakatuwang isipin na parang meant to be para sa akin ang project na ito. Parangsinadya talaga ng panahon,” ngiti pa niya.

Dalawa nga ang makakaromansa ni Kiko sa naturang teleserye, si Rhian Ramos who will play Clara at Jazz Ocampo who plays Hannah.

“Pareho silang magaganda and ang suwerte ko naman po!” tawa pa niya.

“Si Jazz nakasama kona siya sa ‘That’s My Amboy’. Kami ang partners doon and I am happy na siya ang gaganap na asawa ko rito.

“Si Ms. Rhian naman, matagal ko na siyang crush. She is so beautiful at baka hindi ako makaarte kapag kukunan na ang mga intimate scenes namin.

“Gusto kong maging professional, so I will set aside my crush for her.”

Unang naging TV show ni Kiko ay ang “Reel Love Presents Tween Hearts” ng GMA-7 kun saan naging love triangle siya sa loveteam noon nila Barbie Forteza at Joshua Dionisio.

Lumipat sa ABS-CBN 2 si Kiko at ginawa niya ang mga teleserye na “Angelito: Batang Ama” at “Annaliza.”

Muli siyang naging Kapuso in 2014 at ginawa niya ang mga teleserye na “Strawberry Lane,” “More Than Words,” “Yagit, Kailan Ba Tama Ang Mali?,” “My Mother’s Secret,” “Princess In The Palace” and “That’s My Amboy.” (Ruel J. Mendoza)

comments