Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Lalaking dinukot ng NPA natagpuang patay

Lalaking dinukot ng NPA natagpuang patay

BUTUAN CITY – Natagpuang patay kahapon ang isang nadakip na town employee ng pinaghihinalaang mga miyembro ng New People’s Army (NPA) sa kahabaan ng District road ng Lumbia, Barangay Poblacion, 1.5 kilometrong layo mula sa Carmen Town sa may Agusan del Norte kahapon.

Iniulat ng Agusan del Norte Police Provincial Office (PPO) na ang biktimang si Bonifacio J. Capalaran, 38-anyos, empleyado sa municipal government ng Carmen na nakatamo ng ilang tama ng baril sa iba’t ibang parte ng katawan.

Kinilala agad ni Agusan del Norte PPO provincial director Senior Supt. Ronelo D. Jaurigue ang biktima bilang isa sa mga pinaghihinalaang dinukot ng mga rebelde.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa nangyaring insidente at ang pagiging anti-communist supporter naman ni Capalaran ang tinitignang motibo sa pagpatay sa kanya. (Mike A. Crismundo)

comments