Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Pusher patay sa pamamaril

Pusher patay sa pamamaril

NAGA CITY – Patay ang isang pinaghihinalaang drug pusher na nagtangkang agawin ang baril ng isang babaeng pulis kahapon. Dineklarang dead on arrival si Rafael Penera ng Barangay Penafrancia, sa may Naga City Hospital alas 12:30 ng hapon matapos itong mabaril ng isang pulis nang pagtangkaan niyang hablutin ang baril ni P01 Joan Ancheta.

Ayon kay SP03 Tobias Bongon, PIO of NCPO, nagsasagawa ng Oplan Sita ang mga pulis nang makita nilang paparating si Penera habang ito’y nagmamaneho ng motorsiklo nang walang suot na helmet at napagalaman bukod pa sa kakulangan ng registration papers.

Ilang paraphernalia ng ilegal na droga at isang sachet ng marijuana din ang nakumpiska mula sa suspek. Nangyari ang engkwentro sa isang police outpost sa may Sitio Sagrada Familia sa Bgy. Penafrancia, dating Isla Sison, kilalang lugar kung saan madalas nagkakaroon ng drug trade o “Shabu tiangge.” (Ruel Saldico)

comments