Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » 3 patay sa ‘buy-bust’ operation

3 patay sa ‘buy-bust’ operation

CAMP TOLENTINO, Bataan – Tatlo pang pinaghihinalaang drug personalities ang napatay habang sugatan naman ang isang pulis sa kasagsagan ng pangangampanya ng pulisya laban sa ipinagbabawal na gamot sa Bataan.

Iniulat ni Sr. Supt. Benjamin Silo, police director, na napatay ang dalawang suspek habang nagsasagawa ng buy-bust operation ang Drug enforcement at PNP Personnel ng Dinalupihan, na pinangungunahan ni Inspector Rowie de Luna sa Brgy. Pagalangang.

Sinabi ni Col. Silo, pinangalanan ang dalawang suspek na napatay na sina David Cayanan, na kinilala bilang “top 1” drug personality, at si Arnel Cayanan na parehong residente ng iisang barangay.

Naiwan namang sugatan si PO1 Cristobal nang barilin ito ng mga suspek na hanggang ngayon ay ginagamot pa rin sa ospital.

Isa pang pinaghinalaang drug pusher na may alyas “Aba” naman ang napatay din sa Brgy. Culis, Hermosa Town sa isang “buy bust” operation na pinangunahan ni Chief Inspector Jayson F. San Pedro, chief of police.

Nahulihan ang suspek ng dalawang sachet ng shabu, na nakahandang ipagpalit sa halagang R1,000, isang calibre .38 na revolver, at isang Honda motorcycle na may plakang 7257 RI. (Mar T. Supnad)

comments