Home » News » News Roundup » 5 drug suspect napatay sa Caloocan

5 drug suspect napatay sa Caloocan

sa magkakahiwalay na insidente ng pamamaril sa Caloocan City simula Miyerkules ng gabi hanggang kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang apat sa mga nasawi na sina Fernando Rempillo, 34, alyas “Ding”; Daniel Landecho, 44; Juy Fornillas, 34; at Alvin Samson, 43.

Hindi pa nakikilala ang isa pang biktima, ayon sa pulis. Base sa police report, namatay si Rempillo nang paulanan ng bala ng apat hanggang limang kalalakihan na nakamotorsiklo sa Dagat-dagatan bandang 11 p.m.

Napag-alaman na kasama si Rempillo sa listahan ng mga taong may kinalaman sa bawal na gamot. Ayon sa mga testigo, hihingi sana ng pagkain ang biktima sa isang kapitbahay nang mapatay.

Ilang sandali lang, si Landicho naman ang itinumba ng mga lalaking nakamotorsiklo sa lugar ding iyon. Apat na bala ang tumama sa kanyang katawan.

Sa Camarin, north Caloocan naman pinatay ang hindi pa nakikilalang biktima. Samantala, nabaril at napatay si Samson habang inaagaw niya diumano

ang baril ng isa sa mga police escorts habang ibinebiyahe siya patungong Caloocan City inquest prosecutor para masampahan

ng kaso kahapon ng umaga. (Ed Mahilum)

comments