Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Drug suspek dedo sa Cavite

Drug suspek dedo sa Cavite

DASMARIÑAS, Cavite – Napatay ng Police Community Precinct (PCP) Patrol Team ang isang drug suspek nang tangkain nitong tumakas sa may Greensight Subdivision sa Barangay Sampaloc II, alas 2:15 Huwebes ng madaling araw.

Kinumpirma ni PCP-8 (Pala-Pala) Chief Senior Inspector Valero Bueno ang isang nagngangalang Jun-Jun Alberto, residente ng Phase IV, na may drug links umano ito sa Bulihan Silang, Cavite.

Inihayag ni PO2 Armando M. Perez, case investigator, na lulan ng isang Mobile Car 05 ang grupo ni Bueno nang matanaw nila ang dalawa na agad namang kumaripas ng takbo nang makita silang papalapit.

Isa sa mga suspek ang nag paputok ng baril ang nag-udyok sa mga pulis upang bumaril pabalik dahilan ng pagkamatay ni Alberto, samantalang nakatakas naman ang kasama niya na nagtungo sa isang madilim at madamong lugar. (Anthony Giron)

comments