Home » Entertainment » Jessy finds it weird to be linked to Ian marital ‘break-up’

Jessy finds it weird to be linked to Ian marital ‘break-up’

Luis and Jessy

O, hayan, nag-deny na si Jessy Mendiola na siya ang dahilan diumano ng hiwalayan ni Ian Veneracion and his non-showbiz wife na si Pam Gallardo. Aniya, nagulat siya na out of nowhere ay lumabas ang gano’ng tsismis sa kanila ni Ian. Na-weirduhan siya, anang tisay na dalaga sa interbyu sa kanyang entertainment writers sa isang event.

Sana raw ay tigilan na ang malisyosong isyu sa kanila ni Ian. Magpapakamatay na lang siya, kesa sirain ang pamilya ni Ian, ayon kay Jessy.

Nagpasalamat siya kay Luis Manzano na ipinagtanggol siya nito kaugnay ng pagkadawit ng pangalan niya kay Ian. Inamin na ni Jessy na two months nang nanliligaw sa kanya si Luis. Anang dalaga, hindi lang ito boyfriend material kundi husband material.

Sa interbyu naman kay Luis, hindi niya diretsang inamin na nanliligaw siya kay Jessy. Anang TV host, nasa dating stage sila.

comments