Home » Entertainment » Maine marks first anniversary as phenomenal star

Maine marks first anniversary as phenomenal star

Nairaos din ng bida ng pelikulang “Imagine You & Me” nasi Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub angkanyang first showbiz anniversary sa “Eat Bulaga” noong nakaraang July 9.

Isang bonggang production number ang ginawa ni Maine para sa fans nila ng kanyang ka-loveteam na si Alden Richards.

Bago pa naka-perform si Maine ay nadulas pa ito sa hagdan na dinaanan niya. Dahil wala namang serious injury ay tuloy ang performance ni Maine as if walang nangyari sa kanya.

Nagawa pang gawing biro ni Maine ang nangyari sa kanyang blooper.

May isang fan na nag-upload ng video nang pagkakadapa niya at pinagtawanan na lang iyon ng Kalye-serye star.

“Dito ko nadulas oh…ayan nakita nyo po ba ‘yung dulas ko? At dahil nadulas po ako, tapos na po ang show na ito,” sabay tawa niya.

Sa isang Instagram post ni Maine inamin nito na halos mabaliw daw siya sa kakaisip kung ano ang mangyayari sa kanyang performance noong Sabado.

“Isang araw lamang ang naibigay sakin para aralin lahat ng ginawa ko kanina. (Dahil sa kakulangan ng oras) Mababaliw na ata ako kahapon kakaisip ng mga gagawin ko hanggang sa susunod na linggo.

“Naloka ako; parang naisip ko ‘Kaya ko pa ba?’, sabi ko pa ‘Bakit kailangan pang icelebrate ’yung anniversary ko? Di ba pwedeng simpleng bati na lang?” (Ruel J. Mendoza)

comments