Home » News » News Roundup » Police asset binaril

Police asset binaril

Isang police asset na kasama sa mga 350 drug pushers at users na sumuko sa pulisya noong isang linggo ang pinatay ng mga armadong lalaki na nakamotorsiklo sa Parañaque City, Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Inspector Allan Robillos, Parañaque Community Precinct 6 deputy commander, ang biktima na si Roberto Frias, 43, ng Barangay Don Bosco, Parañaque City.

Dead on the spot siya dahil sa dami ng tama ng bala sa katawan. Base sa police report, naganap ang pamamaril bandang 8 p.m. sa harap ng isang sari-sari store sa Peru St., Barangay Don Bosco,Parañaque City.

Ayon kay Robillos, si Frias at ang kanyang live-in partner na Marilou Cabacan ay kasama sa 350 drug personalities na sumuko sa mga pulis na nagsagawa ng “Oplan Tokhang” sa kanilang lugar.

Sinabi pa ni Robillos na isang drug pusher si Frias na kalaunan ay naging police asset ng Station Anti-Illegal Drugs of the Parañaque Police laban sa mga taong sangkot sa illegal drug trade. (Jean Fernando)

comments