Home » Entertainment » Coco Martin excited to work again with Vice Ganda

Coco Martin excited to work again with Vice Ganda

Coco Martin and Vice Ganda

Ibinalita mismo ni Coco Martin na ang susunod nilang special guest sa pinagbibidahan niyang ABS-CBN teleseryeng “FPJ’s Ang Probinsyano” ay si Vice Ganda.

Excited na nga raw si Coco na makatrabaho ulit ang kanyang kaibigan. Huli silang nagkasama sa MMFF 2015 top grosser na “Beauty And The Bestie,” na kasalukuyang may hawak ng record bilang highest grossing Filipino film of all-time.

“Ang ipinapangako naming ibang-ibang Vice ang makikita nila. Kasi marami na si Vice na nagawang pelikula.

“Ang ano namin paano naming babaguhin si Vice. At saka ang kasama niya rito si Ethel Booba, si Chokoleit, si Lassy, si MC, parte sila ng sindikato,” pagbubunyag ni Coco sa thanksgiving presscon ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Nagbigay din ng patikim si Coco tungkol sa gagampanang role ni Vice at ng mga nabanggit niyang mga komedyante. “Alam n’yo ’yung mga cybersex? Yung mga nagme-message sa iyo tapos pakakagatin ka, tapos pagna-video-han ka, tatakutin ka na nila na pag hindi ka nagbayad sa akin, ganyan-ganyan. Ganun ’yung gang nila. Ang ganda, sabi ko nga, ibang-ibang Vice, ibang-ibang Ethel, ang ipapakita natin. Kasi totoo itong nangyayari.’’

Ang guesting ni Vice ay isa sa mga inihahandang pasabog ng FPJ’s Ang Probinsyano para sa nalalapit nitong anibersaryo sa Setyembre.

Samantala, klinaro ng press kay Coco ang bali-balita na diumano’y sila ulit ni Vice ang magsasama sa entry ng Star Cinema sa MMFF 2016. Totoo ba ito? “Pinagmi-meetingan pa po ng Star Cinema. Actually, ang problema po ako po ’yung last time hindi po ako nakaupo doon sa meeting nila. Mamaya po after nito uupuan po ako ng creative (team ng Star Cinema).”

Excited ba siya na posibleng magkaroon ulit sila ng entry sa filmfest ni Vice? “Opo, siyempre po. After po ng success ng ‘Beauty And The Bestie,’ sabi ko nga po, sino pa ba ang magtutulungan kundi kaming dalawa po.”

Magiging sequel ba ito ng “Beauty And The Bestie”? “Sa palagay ko hindi po yata magiging sequel.” (GLEN P. SIBONGA)

comments