Home » News » News Roundup » Tulak ng droga nanlaban sa pulis, patay

Tulak ng droga nanlaban sa pulis, patay

Patay ang isa umanong kilabot na drug pusher nang siya’y makipagbarilan sa mga pulis sa Marikina City kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang napatay na suspek na si Jose Bumaqtay alyas Obet, residente ng Tuazon St., Marikina City.

Base sa police report, nagsagawa ng drug bust operation ang Station Drug Enforcement team bandang 3:30 a.m. laban kay Bumaqtay, ngunit nahalata ng huli ang inilatag na patibong.

Kaagad na bumunot ng baril ang suspek at pinaputukan ang police operatives.

Gumanti ng putok ang mga alagad ng batas at napatay noon din ang suspek.

Nakuha sa pinangyarihan ng krimen ang isang .38-caliber revolver at anim na pakete ng shabu. (Madelynne Dominguez)

comments