Home » News » News Roundup » 7 katao timbog sa buy-bust

7 katao timbog sa buy-bust

Pitong katao, kabilang ang isang hinihinalang drug pusher, ang naaresto sa isang buy-bust operation sa Quezon City noong Biyernes.

Ayon sa Quezon City Police District Station 1, naaresto ang mga suspek na sina Luzminda Alvaro, alias “Luz,” 49; kanyang asawang si Emmanuel, 48, at anak nilang si Raymart, 25; Hombre Orly, 21; Victor Abalos, 38; Joey Clemente, 18; at Racquel Montesa, 37, batay sa impormasyong ibinigay ng dalawang hininalang adik na sumuko sa mga pulis. Ayon sa dalawa, si Luz ang kanilang supplier ng shabu at sa Barangay Manresa at karatig na lugar.

Kaagad na nagsagawa ang mga pulis ng buy-bust operation malapit sa tahanan ni Luz sa Sto. Domingo St., Barangay Manresa, at naaresto ang suspect pagkatapos magbenta ng shabu na halagang P500 sa isang police poseur-buyer.

Pumasok ang mga pulis sa bahay ni Luz ang naaresto ang iba pang mga suspek habang nasa pot session. Narekober sa mga suspek ang mga pakete ng hinihinalang shabu at drug paraphernalia.

Samantala, 11 drug suspeks ang naaresto ng mga pulis sa magkakahiwalay na operation sa Barangays Bagbag, Pinyahan, and San Vicente kamakailan. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments