Home » Entertainment » Christian proud of new girlfriend

Christian proud of new girlfriend

CHRISTIAN Bautista and Kat Ramnani

Kung noon ay very secretive ang balladeer na si Christian Bautista sa kanyang lovelife, ngayon ay proud na niyang ipinakilala sa publiko ang kanyang bagong girlfriend na nagngangalang Kat Ramnani.

Inamin ng Kapuso singer na almost one year na silang may relasyon ni Kat, who is the head of music content ng Globe Telecom.

Pero hinintay nilaang right time para mag-step out sila in public at gawing official ang kanilang relationship.

“Like what they say, nasa tamang panahon ang lahat.

“Kami ni Kat, since last year pa kami may relationship but we waited for the right moment for people to see us together.

“It just so happens na invited tayo sa Preview Ball last month and that was the perfect moment na makasama ko si Kat as my date.

“So from there, nakilala na siya ng media and everything is going smooth in our relationship,” ngiti pa ni Christian.

At 34, iniisip na raw ni Christian na pasukin ang ibang mga bagay pa sa buhay niya. Isa na nga raw doon ay ang pag-settle down.

“Most of my friends na rin kasi are married and they have their own families na.

“My brother will be getting married this year. So parang nag-iisip na rin ako.

“I’ve been in this business for 13 years now. Marami na akong napasayang mga tao through my music. I guess it’s time that I think of my personal happiness for a change.

“There are also many things I want to get into like business, investments—a change in my career kung saka-sakali.

“Yung plans to get married baka matagal pa muna because mauna pa ang brother ko. That will give us more time to plan and think,” diin pa niya.

Ang hindi raw mawawala kay Christian ay ang kanyang music dahil marami pa raw siyang gustong i-explore sa kanyang singing career.

“There are still many songs I want to sing. Hindi pa ako tapos sa aking pagkanta.

“I always want to make a difference when it comes to my music.

“We’re working on a new album and expect a different Christian Bautista again.”

Kasama si Christian sa cast ng GMA-7 telefantasya na Encantadia kung saan siya ang gaganap sa role na Apitong.

“It’s an honor to be part of his historical teleserye.

“Noon pinapanood ko lang ito and now part na akong cast. How surreal is that?

“It’s an actor’s dream to be a part of this grand show.” (RUEL J. MENDOZA)

comments