Home » News » News Roundup » Lalaki minartilyo ng tiyuhin

Lalaki minartilyo ng tiyuhin

Nagtamo ng malalim na sugat sa ulo ang isang lalaki na minartilyo umano ng kanyang tiyuhin habang natutulog sa Barangay North Bay Boulevard South, Navotas City noong Biyernes.

Kinilala ng mga pulis ang biktima na si Jesus Reyes, 42. Ayon sa ina ng biktima na si Maria, 72, natutulog sila sa ilalim ng puno sa harap ng kanilang bahay ng magising siya ng ingay ng parang nabasag na paso.

Nakita niya ang suspek na si Tranquilino Parrocho, 72, na tumatakbo papalayo dala dala ang isang martilyo. Lumingon siya sa kanyang anak at nakita niya itong nanginginig at balot ng dugo ang kanyang ulo.

Dinala ang biktima sa ospital kung saan siya kasalukuyang nagpapagaling. (Jel Santos)

comments