Home » News » News Roundup » Robbery suspek todas

Robbery suspek todas

Patay ang isang robbery suspect at hinihinalang drug pusher nang magtangkang labanan ang mga pulis pagkatapos maaresto sa loob ng kanyang bahay sa San Juan Extension, Gagalangin, Tondo, Manila noong Biyernes.

Kinilala ng Manila Police District Station 1 ang biktima na si Jaime Coranez Jr., 30, na kasama sa drug watch list ng naturang istasyon ng mga pulis.

Ayon sa imbestigasyon, naaresto ang suspek pagkatapos umano niyang nakawan ang isang negosyanteng Indian ng halagang P25,000.

Nagsoli ng P500 ang suspek sa biktima at isinama ang mga otoridad sa kanyang bahay upang kunin ang natitirang pera.

Pumasok ang suspek sa kanyang kuwarto upang kunin ang pera pero lumabas na may dala-dalang baril at tinangkang barilin ang mga pulis.

Binaril ng mga pulis ang suspek na kaagad niyang ikinamatay. Narekober sa suspek ang baril, basyo ng bala, 12 sachets ng hinihinalang shabu, at drug paraphernalia. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments