Home » News » News Roundup » Street sweeper sinaksak

Street sweeper sinaksak

Sugatan ang isang street sweeper pagkatapos saksakin habang umaawat sa nagaaway na mag-live in sa harap ng kanyang bahay sa Quezon City noong Huwebes.

Ayon sa imbestigasyon ng Quezon City Police District, natutulog ang biktimang si James Mapa, 23, ng Tiburcio St., Barangay Krus na Ligas ng madaling araw nang magising siya ng ingay sa labas.

Lumabas ang biktima nakita niya ang isang babae at lalake na nagaaway. Umawat ang biktima pero bumunot ng patalim ang lalake at sinaksak si Mapa sa katawan.

Tumakas ang suspect na nakilalang si Cielo Daquis, alias “Aboy,” 34, ng Area 6, Barangay Botocan, Quezon City samantalang dinala ang biktima sa ospital kung saan siya nagpapagaling.

Sinabi ng mga pulis na nagkaroon ng alitan sina Daquis at kanyang live-in partner na si Berna dahil sa isang hindi pagkakaunawaan ng mangyari ang insidente. Pinaghahanap na ng mga otoridad ang suspect. (Vanne Elaine P. Terrazola)

comments