Home » News » News Roundup » ‘Bahala Na Gang’ member pinaslang

‘Bahala Na Gang’ member pinaslang

Isang miyembro ng “Bahala Na Gang” ang pinatay ng apat na di kilalang lalaki sa Gagalangin, Tondo, Manila, Linggo ng gabi.

Base sa police report, binugbog muna si Edmer Gamboa, 23, isang part-time construction worker, ng apat na kalalakihan, bago siya pinagbabaril ng isa sa mga salarin.

Dinala ng mga residente ang duguang biktima sa Ospital ng Tondo, ngunit namatay din kinalaunan dahil sa tinamong matinding pinasala sa ulo at mukha at tama ng bala sa kanang binti.

Kasalukung sinisiyasat pa ng pulisya ang krimen. (Jaimie Rose R. Aberia)

comments