Home » Entertainment » Bea Alonzo makes fun of Gerald’s macho dance

Bea Alonzo makes fun of Gerald’s macho dance

Bea and Gerald

Natatawa na lang si Bea Alonzo kapag napag-uusapan ang love scene nila ni Gerald Anderson sa kanilang pinagbibidahang pelikulang “How To Be Yours” ng Star Cinema.

Kuwento nga ni Bea, “Noong una kabang-kaba ako. Siyempre naman pag eksena namang ganyan lalo na kapag babae ka, nakakaba naman talaga. Pero eto na yata ang pinaka nakakatawang love scene na nagawa ko. Kasi bigla na lang siyang magma-macho dance na ganyan. So, talagang matatawa ka na lang, kaya ang light lang ng approach. Nung ginawa niya ’yung macho dancing mas naging kumportable ako, mas naging fun na siya.”

Kasama ba talaga sa kinunan sa pelikula ang pagma-macho dance ni Gerald? “Bago pa iyon mag-take. Ewan ko, hindi ko alam kung isinama ni Direk. Si Direk kasi ang hilig magpatugtog ng music na ’yung medyo pang-macho dance, ’yung medyo romantic para ma-set ’yung mood namin. Tapos bago mag-take nagma-macho dance muna ako. Minsan sa gitna ng eksena binibigyan ako ng konting pitik. So, natatawa talaga si Bea sa eksena. At least naging kumportable siya, kami,” sabi naman ni Gerald.

Tanong pa namin kay Gerald, kung sa tingin niya ay sumeksi ba si Bea ngayon? “Oo naman, paseksi siya nang paseksi.”

Para naman kay Bea, mas yummy ba si Gerald ngayon physically? “Ay naku, pagnapanood n’yo sa movie, eto ’yung fittest niya, hottest!”

Ginagampanan nina Bea at Gerald sa pelikula sina Anj at Niño, respectively. Sa direksyon ni Dan Villegas, ang “How To Be Yours” ay ipalalabas sa mga sinehan nationwide simula sa July 27. (Glen P. Sibonga)

comments