Home » News » News Roundup » New Roundup » Featured » Gerald-Bea: May balikan ba?

Gerald-Bea: May balikan ba?

Bea and Gerald

Parehong naka-casual wear lang sina Gerald Anderson at Bea Alonzo noong presscon ng “How To Be Yours.” Naka-white t-shirt at maong pants si Gerald at white rubber shoes, naka-black sleeveless blouse si Bea at maong shorts na kita ang kanyang flawless shapely beautiful legs. Parang napadaan lang sila at hindi nag-effort magbihis gaya ng mga nakaraang presscons ng kanilang respective projects.

Ibinagay lang nila ang kanilang get-ups sa venue ng presscon sa ABS-CBN compound.

Anyway, Gerald and Bea look good together. Common knowledge na nagkaroon sila ng short-lived romance. Dahil sa intriga, hindi nagtagal ang kanilang relasyon. Asked kung nagkaroon ba sila ng closure, sabi ni Gerald hindi nila ‘yun napag-usapan ni Bea.

Ayon naman kay Bea, that time ay parang hindi gano’n kalinaw. Aniya, marami siyang gustong balikan at sana raw ay mas marami pa siyang natuklasan tungkol kay Gerald.

Posible kayang magkaroon sila ng second chance dahil pareho silang single ngayon? Kapwa sila nagpahayag na hindi nila masabi. Anila, for the moment ay gusto lang nila mag-enjoy. Happy lang sila. “Gusto ko lang i-maintain ‘yung ganitong feeling na komportable kami sa isa’t isa,” saad ni Gerald.

First time nina Gerald at Bea magtambal sa pelikula na ayon kay Gerald, wala siyang hesitation at tinanggap agad niya ang project.

May love scene sila sa “How To Be Yours” na ani Bea, bago sila mag-take ay natawa siya kay Gerald. Nag-macho dance daw kasi ito. Sabi ni Gerald, pampa-relaks lang niya ‘yun dahil hindi niya alam kung ano’ng gagawin sa kukunang love scene nila ni Bea. Owwwssss? Hindi kaya na-tense lang si Gerald? Directed by Dan Villegas, showing sa July 27 ang HTBY sa mga sinehan nationwide.

Big challenge

Big challenge kay Sanya Lopez ang pagkasama niya sa cast ng “Encantadia.” Nagsimula na itong umere kagabi sa GMA Telebabad. Sa apat na sang’gre, si Sanya ang “the who”? May mga kumukuwestiyon kung bakit sa kanya ipinagkatiwala ang role bilang sang’gre Danaya. Ang dami naman daw Kapuso stars na higit na kilala kesa kay Sanya ang pwede sa naturang role.

Sabi ni Sanya, hindi biro ang pinagdaanan niya during the audition process. She did her best at sobrang thankful siya na sa kanya ipinagkatiwala ang role bilang sang’gre Danaya. “Isang malaking blessing ‘yun, kaya pinagbubuti ko parati ang trabaho ko,” aniya.

Nag-workshop siya, sumailalim sa intense training sa martial arts bilang paghahanda.

Loveless pa rin

Totally, naka-move-on na si Kylie Padilla sa break-up nila ni Aljur Abrenica. Happy heart na siya na hindi naman niya itinatangging si Julian Trono ang nagpapasaya ng puso niya ngayon.

Si Aljur, tahimik lang tungkol sa kanyang lovelife. Aniya, mas focused siya sa career niya ngayon. Thankful siya na marami ang nakaka-appreciate sa acting niya sa “Once Again.” Sa episode ngayong gabi, makakatakas si Des (Janine Gutierrez) kay Lukas (Joko Diaz). Tatakbo si Des, pero maaabutan siya ni Lukas.

comments