Home » Entertainment » Marian slows down

Marian slows down

Marian Rivera

Malapit ang puso ni Marian Rivera sa mga batang may cleft lip at palate (bingot). Kaya naman, sa kabila ng kanyang kaabalahan sa pagtatrabaho at pagiging nanay kay baby Zia at asawa kay Dingdong Dantes, she took time out para dumalaw sa Smile Train, isang international organization na tumutulong sa mga batang may gano’ng kapansanan.

Labis ang kasiyahan ng mga bagets sa pagdalaw sa kanila ng host ng “Yan ang Morning.” How true kaya ang tsika na diumano, tatapusin lang ni Marian ang hosting stint niya sa YAM at magla-lie low muna siya sa showbiz? Gusto raw ni Mrs. Dantes na mag-focus muna sa pag-aalaga kay Baby Zia.

In any case, enjoy-enjoy lang si Marian sa pagho-host niya sa YAM. Enjoy siya sa iba’t ibang lugar na pinupuntahan nila ng co-host niyang si Boobay para mag-taping ng episodes ng YAM. Dati kasi’y sa loob lang ng GMA studio sila.

Ngayon ay lumalabas na sila. (Rowena Agilada)

comments