Home » News » News Roundup » New Roundup » Regional » Nakumpiskang produkto ng DTI wawasakin

Nakumpiskang produkto ng DTI wawasakin

BUTUAN CITY – Nakatakdang sirain ng Department of Trade of Industry (DTI)–Consumer Welfare Division ang mga nakumpiskang non-conforming products sa Barangay Doongan bukas.

Ayon kay DTI–Butuan City/Agusan del Norte Director Gay A. Tidalgo, ang mga naturang produkto ay wawasakin dahil sa paglabag nito sa Product Standards Law o ang Republic Act No. 4109 gayun din ang Implementing Rules and Regulations (DAO 2, Series of 2007) na nilalaman naman ng mga desisyon na inilabas ng Adjudication Officer.

Ang mga naturang non-conforming products ay plywood, Christmas lights, outlets, switches, DVD players, electric irons, extension wires, stand fans, desk fans, rice cookers, monobloc chairs, lighters, CFLs, helmets, receptacle at iba pa. (Mike U. Crismundo)

comments