Home » News » News Roundup » Ateneo teacher pinatay

Ateneo teacher pinatay

Isang Ateneo Junior High School teacher ang binaril at napatay ng hindi kilalang lalaki sa Marikina City, Lunes ng gabi.

Kinilala ni Police Inspector Glenn Aculana, Marikina Police intelligence division chief, ang biktima na si Emmanuel Jose Pavia, 24, residente ng Barangka Marikina City, at isang Math teacher sa Ateneo de Manila.

Binawian siya ng buhay habang ginagamot sa Amang Rodriguez Memorial Center dahil sa tatlong tama ng bala – dalawa sa ulo at isa sa likod.

Base sa police report, nakarinig ng sunud-sunod na putok ng baril ang mga residente sa Dela Costa Homes sa Barangay Barangka bago natagpuan ang duguang biktima bandang 7 p.m. ng Lunes.

Walang nawalang personal na gamit ang biktima, isang indikasyon na hindi pagnanakaw ang motibo ng pamamaril, ayon sa police. Patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga pulis sa krimen, ayon kay Inspector Aculana.

comments