Home » News » News Roundup » Lalaki nakuryente

Lalaki nakuryente

Binawian ng buhay ang isang 34-gulang na lalaki matapos na aksidente niyang mahawakan ang isang live wire habang naglalagay ng illegal electrical connection sa kanilang lugar sa Pasay City noong Lunes.

Kinilala ng Pasay City Police ang biktima na si Joselito Salazar alyas Kulot, nakatira sa No. 2484 Apelo Cruz St., Brgy. 152, Zone 16, Pasay. Base sa imbestigasyon, nagkakabit ng illegal electrical connection and biktima sa isang electric post sa Apelo Cryz Street bandang 1 p.m., Lunes, nang mahawakan niya ang isang live wire.

Dahil sa daloy ng kuryente sa katawan, nahulog si Salazar sa isang bukas na manhole. Kinuha si Salazar mula sa manhole ng kanyang kliyente na si Jerwin, 19, ngunit wala na siyang pulso nang mai-ahon. (Martin A. Sadongdong)

comments