Home » News » News Roundup » No classes sa QC schools sa araw ng SONA

No classes sa QC schools sa araw ng SONA

Suspendido ang klase sa lahat ng level ng private at public schools sa Quezon City sa araw ng kauna-unahang State-of-the Nation Address (SONA) ni President Rodrigo Duterte sa darating na Lunes, Hulyo 25.

Inatasan ni Mayor Herbert M. Bautista si Department of Public Order and Safety (DPOS) chief Elmo San Diego na magtalaga ng kanyang mga tauhan sa strategic areas isang araw bago ang SONA na gaganapin sa Batasan Complex.

Dahil sa inaasahang pagbuhos ng mga tao sa Commonwealth Avenue at ibang kalye patungong Batasan Complex, minabuti ni Bautista na kanselahin ang mga klase sa paaralan para mailayo ang mga mag-aaral sa anumang posibleng insidente sa araw ng SONA. (Chito A. Chavez)

comments